Ang Mga Tula ni NC Nolasco

A.k.a. I can’t believe I’m submitting this for grades.

I. TANAGA

Mula sa sabon, BULA.

Mula sa dugo, TULA.

Mula sa mais, GAWGAW.

Mula sa utak, SABAW.

****

Pagtingin sa malayo,

Nabighani sa iyo.

Ngunit noong lumapit –

Ikaw pala ay pangit.

II. AWIT

ANG PINAKAMAIKSING AWIT NG PAG-AALIS

Ako’y nag-orasyon at siyang namaalam.

Kung kailan babalik, ito’y di ko alam.

Habang wala ako, maalala mo ba

Ang aking pag-halik, ang aking pangamba?

III. MODERNONG TULA

Balagtasan

Metro:

Mga pantig, may bilang.

Tugma:

Hindi maaring di-ganap.

Makinis ang cesura,

Huwag gawing dalisay.

O maaring sabihing “Hindi ka makata!”


Awit ba, korido?

(Anong pag-iiba nito?)

Tanaga, pasyon,

Dalit, orasyon —

“O mahal na Ama,

Tulungan mo akong

Makasulat ng tula.”


Kung ang “Ako”

Ay daigdig ng tula,

At ang manunulat

May buhay na walang-hangganan

Bakit nakaka-puyat, nakaka-hingalo,

Bakit nakaka-sakit sa mata, sa ulo

Maging isang balagtas?

Maging isang makata?


Fin

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s